Ipinahayag Marso 13, 2017 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng Chile, Tagapangulong bansa ng Pacific Alliance, dadalo si Yin Hengmin, Sugo ng Tsina sa mga suliranin ng rehiyong Latin-Amerika at kanyang mga entorahe sa high-level dialogue kaugnay ng integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko, na nakatakdang idaos sa Chile, Marso 14-15, 2017. Pinabulaanan din aniya niya ang ulat ng ilang media, na nagsasabing ang naturang pulong ay pulong ng Trans-Pacific Partnership (TPP).
Ipinahayag ni Hua ang pag-asang gaganap ang pulong ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng proseso ng malayang sonang pangkalakalan ng Asya–Pasipiko, pagbubuo ng bukas na modelong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko, at pagtatatag ng integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko.