Lumipad kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Enero 2017, ang unang flight sa pagitan ng Sanya, lunsod sa timog baybaying-dagat ng Tsina, at Siem Reap, kilalang lugar na panturista ng Kambodya.
Ang flight na ito ay isinasaoperasyon ng Hainan Airlines ng Tsina. Ang nasabing linya ay may isang round-trip flight bawat linggo, at ang tagal ng lipad ay 1 oras at 35 minuto.
Inaasahang ang pagsasaoperasyon ng flight na ito ay ibayo pang magbibigay-ginhawa sa paglalakbay sa pagitan ng Sanya at Siem Reap. Pasusulungin din nito ang turismo at kalakalan ng dalawang lugar.
Salin: Liu Kai