Ayon sa patalastas na nilagdaan Martes, ika-3 ng Enero, 2017 ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, noong ika-14 ng nagdaang Nobyembre, ang Kambodya ay hinirang na koordinator ng grupo ng pagsasanggunian ng mga pinaka-di-maunlad na bansa ng World Trade Organization (WTO). Isang taon ang termino nito na magsisimula sa Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ipinahayag ni Hun na naging unang pinaka-di-maunlad na bansa na sumapi sa WTO ang Kambodya noong ika-13 ng Oktubre, 2014. Pagkaraang sumapi sa WTO, inilabas aniya ng pamahalaan ang patakarang pangkaunlaran, para mapasulong ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng kabuhayan. Naisakatuparan ang pagpapanatili ng GDP ng 7% paglaki, at bumaba sa 11.5% ang poverty rate noong 2015, mula 53.2% noong 2004, dagdag pa ni Hun.
Salin: Vera