Nag-usap ngayong araw, Huwebes, ika-23 ng Marso 2017, sa Canberra, Australya, sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australya.
Positibo si Li sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa. Ipinahayag niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Australya, na igarantiya ang tuluy-tuloy, malusog, at matatag na pag-unlad ng kanilang relasyon. Tinukoy din ni Li, na sa harap ng kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig, lumalalang proteksyonismo, at parami nang paraming hamon sa daigdig, dapat magsikap ang Tsina, Australya, at mga may kinalamang bansa, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Asya-Pasipiko, at buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Turnbull ang kahandaang panatilihin ang pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Australya at Tsina. Sinabi rin niyang dapat pangalagaan ang kalayaan ng kalakalan at pagbubukas ng pamilihan, para patuloy na magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai