Sa paanyaya ni Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australia, si Premyer Li Keqiang ng Tsina ay dumating ng Canberra, Marso 22 ng gabi, 2017, para sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Australia. Dadalo rin siya sa ika-5 taunang regular na pag-uusap ng mga punong ministro ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Li na nitong 45 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Australia, walang tigil na umuunlad ang bilateral na relasyon at pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang ibayong mapapasulong ng kasalukuyang biyahe ang malusog at matatag na pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, batay sa diwa ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.