Sinabi nitong Miyerkules, Marso 22, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na makaraang alamin mula sa kaukulang departamentong Tsino, natukoy na mali umuno ang balitang pagtatatag ng environmental monitor station sa Huangyan Island, at hindi totoo ang pangyayaring ito.
Ani Huang, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa South China Sea, at walang anumang duda tungkol dito. Samantala, lubos ding pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Pilipinas, at patuloy na magsisikap kasama ng Pilipinas, upang mapasulong pa ang malusog, matatag, at mabilis na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng