Bilang tugon sa sinabi ng Japanese officials kamakailan tungkol sa situwasyon ng South China Sea, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Marso 23, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang bumubuti ang situwasyon sa nasabing karagatan. Aniya, ang layon ng walang humpay na paglilikha at pagbibigay-diin ng Hapon sa umano'y "banta mula sa Tsina," ay makalikha ng katuwiran sa pagpapalawak ng kasangkapang militar nito.
Ani Hua, sa kasalukuyan, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bumubuti ang situwasyon sa South China Sea. Kung nais sirain ng Hapon ang kalagayang ito, hinding hindi ito pahihintulutan ng Tsina at mga kapitbansa nito.
Salin: Li Feng