|
||||||||
|
||
Bo'ao, lalawigang Hainan — Ginanap nitong Huwebes, Marso 23, 2017, ang "Media Leaders Roundtable" ng taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) para sa 2017 na dinaluhan ng 21 pinuno ng media mula sa 15 bansang tulad ng Tsina, Amerika, Rusya, Hapon, Timog Korea, New Zealand, Thailand, at Turkey. Tinalakay nila ang tungkol sa temang "Bagong Kinabukasan ng Koopersyon ng mga Mediang Asyano," at nagkasundo sila sa mga larangang kinabibilangan ng ibayo pang pagsasakatuparan ng pagiging mekanismo ng media cooperation, pagtatatag ng bagong plataporma ng Asian media cooperation, pagpapataas ng karapatan ng pagsasabi at impluwesniya ng mga mediang Asyano, at iba pa.
Media Leaders Roundtable
Ang naturang "Media Leaders Roundtable" ay magkakasamang itinaguyod ng BFA, China Radio International, at China Public Diplomacy Association (CPDA).
Si Wang Gengnian, Tagapangulo ng Roundtable at Presidente ng CRI
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Wang Gengnian, Tagapangulo ng Roundtable at Presidente ng CRI, na ang mabisang pagpapataas ng kakayahan ng pagpapalaganap at karapatan ng pagsasabi ay komong palagay ng mga mediang Asyano. Aniya, sa ngayong walang tigil na lumalabas ang kasiglahan ng Asya, higit na dapat palakasin ng mga mediang Asyano ang kanilang kooperasyon para mainam na magsabi ng mga kuwentong Asyano at pagbahaginan ang karanasan ng Asya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |