Nakipag-usap Marso 23, 2017 sa Canberra si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Peter Cosgrove, Gobernador ng Australia.
Ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang pasusulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Australia, at palalawakin ang people to people exchanges, para magbigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Australia para magkasamang pangalagaan ang katatagang panrehiyon at kapayapaang pandaigdig, pasulungin at pabutihin ang sisitema ng pangangasiwa sa buong mundo, tanggihan ang protectionism, at itatag ang bukas na kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Cosgrove na nananatiling mahigpit ang pagtutulungan at pagpapalitan ng Tsina at Australia sa ibat-ibang larangan at antas. Nakahanda aniya ang Australia na patuloy na palalawakin ang komprehensibong pakikipagtulungan sa Tsina, para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Australian.