Nakipag-usap Marso 23, 2017 sa Canberra, si Premyer Li Keqiang ng Tsina kina Stephen Parry, Presidente ng Mataas na Kapulungan at Tony Smith, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Australia.
Ipinahayag ni Premyer Li na ang kasalukuyang taon ay ang ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Australia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Australia para ibayong palawakin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Tinukoy ni Li na bilang mahalagang tsanel para sa pinalakas na pagtutulungan at pagtitiwalaan ng Tsina at Australia, magiging mahalaga ang pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga lehislatura ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman nina Parry at Smith na positibo ang parliamento ng Australia sa ibayong pagpapahigpit ng pakikipagtulungan sa mga Chinese counterpart. Nakahanda anila silang magsikap para pasulungin ang mas malawak na pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.