Idinaos ngayong araw, Sabado, ika-25 ng Marso 2017, sa Boao, Tsina, ang seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Sa kanyang mensaheng pambati sa seremonya, binigyan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng positibong pagtasa ang pinapatingkad na mahalagang papel ng BFA sa pagdaragdag ng komong palagay ng mga bansang Asyano, pagpapasulong ng kooperasyon sa Asya, at pagpapalakas ng impluwensiya ng Asya. Aniya, bilang punong abala, ikinasisiya ng Tsina ang pagtatamo ng BFA ng maraming bunga, at pinasasalamatan ang mga personahe ng iba't ibang sirkulo sa pagbibigay ng ambag sa porum na ito.
Sinabi rin ni Xi, na ang tema ng kasalukuyang taunang pulong ay "Globalization and Free Trade: the Asian Perspectives." Umaasa aniya siyang sa ilalim ng temang ito, malalimang tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa paglutas ng mga isyung pangkabuhayan sa rehiyon at daigdig, para pasulungin ang globalisasyon at malayang kalakalan.
Salin: Liu Kai