Sa deklarasyon na inilabas Sabado, Marso 25, 2017 sa Rome ng Italya pagkatapos ng Summit ng Unyong Europeo (EU), nanawagan ang EU sa mga kasaping bansa na panatilihin ang pagkakaisa at igalang ang komong regulasyon para maharap ang kasalukuyang mga hamon at maging mas malakas ang EU.
Sinabi ni Joseph Muscat, Punong Ministro ng Malta, kasalukuyang Tagapangulong bansa ng EU, na ang mga isyu na kinakaharap ng EU ay bunga ng trade protectionism at kakulangan ng pangmatagalang pananaw.
Dumalo sa summit na ito ang mga lider ng 27 kasaping bansa ng EU liban sa Britanya. Tinalakay ng mga kalahok ang direksyon ng pag-unlad ng EU sa hinaharap.
Ang nasabing summit ay idinaos bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakalagda sa Treaty of Rome. Ang kasunduang ito ay itinuturing bilang pundasyon ng pagkakatatag ng EU.