Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Ministry of Planning and Investment ng Biyetnam, hanggang noong ika-20 ng buwang ito, may mahigit 23 libong proyektong pinatatakbo ng pondong dayuhan sa bansang ito. Lumampas sa 300 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng nakontratang pamumuhunan, at umabot sa mahigit 158 bilyong Dolyares ang halaga ng aktuwal na nagamit na pondo.
Ayon pa rin sa estadistika, ang industriya ng pagpoproseso at manupaktura ng Biyetnam ay nakahikayat ng pinakamalaking bahagi ng pamumuhunang dayuhan, at halos 60% ng mga pondo ay pumunta sa industriyang ito.
Kasabay nito, ang Timog Korea, Hapon, at Singapore ay unang tatlong bansang may pinakamalaking pamumuhunan sa Biyetnam.
Salin: Liu Kai