Inulit kahapon, Marso 27,2017, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Diaoyu Islands at mga isla sa paligid nito ay likas na teritoryo ng Tsina sapul noong sinaunang panahon, dapat igalang ng Hapon ang kasaysayan at katotohanan, at itigil nito ang mga probokasyon sa mga isyu hinggil dito.
Ayon sa ulat, sa textbook ng high school na pinagtibay kamakailan ng Hapon, tinatawag ang Diaoyu Islands na teritoryo ng Hapon.
Tungkol dito, sinabi ni Hua na kahit kung ano ang masasabi ng Hapon, hindi mababago ang katotohanan na ang Diaoyu Islands at mga isla sa paligid nito ay likas na teritoryo ng Tsina.