Kinatagpo kahapon, Marso 27,2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Pushpa Kamal Dahal Prachanda, dumadalaw na Punong Ministro ng Nepal.
Tinukoy ni Xi na dapat patuloy na pahigpitin ng Tsina at Nepal ang pagtitiwalaang pulitkal, pagpapalitan sa iba't ibang antas, at katigan ang isa't isa sa mga malalaking isyung may kaugnayan sa kanilang nukleo interes. At nakahandang gamitin ang pagkakataon ng "Belt and Road" Initiative, pasulungin ang kooperasyon sa konektibidad, malayang kalakalan, agrikultura, enerhiya, rekonstruksyong pagkaraan ng kalamidad, at palawakin ang pamumuhunan sa isa't isa.
Pinasalamatan ni Prachanda ang pagkatig ng Tsina sa rekonstruksyong pagkaraan ng kalamidad ng Nepal. Kumakatig ang Nepal sa "Belt and Road" Initiative, at nakahadang aktibong palawakin ang kooperasyon ng dalawang panig sa kalakalan, pamumuhunan, transportasyon, imprastruktura, turismo at iba pa.
salin:Lele