Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-600 anibersaryo ng pagdalaw ni Sultan Paduka Pahala sa Tsina, ginunita

(GMT+08:00) 2017-03-29 15:28:06       CRI

Nagbigay-galang kahapon, Martes, ika-28 ng Marso 2017, sa Dezhou, lalawigang Shandong sa silangang Tsina, si Princess Jacel Kiram ng Sulu at kanyang mga kasamahan, sa libingan ni Sultan Paduka Pahala.

 

si Princess Jacel Kiram ng Sulu

Sinabi ni Princess Kiram, na ang kanilang aktibidad na ito ay bilang paggunita sa ika-600 anibersaryo ng pagdalaw ni Sultan Paduka Pahala sa Tsina. Dagdag niya, ang pangyayaring pangkasaysayan na ito ay patunay ng mahabang pagpapalagayang pangkaibigan ng Pilipinas at Tsina. Umaasa aniya siyang ito ay magiging elementong tagapagpasulong sa kasalukuyang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

Sinabi naman ng isang lokal na opisyal ng Shandong, na ang libingan ni Sultan Paduka Pahala ay puntod ng haring dayuhan na pinangangalagaan nang pinakakumpleto sa loob ng Tsina. Ito aniya ay itinuturing na tulay at bigkis, para palakasin ang pagpapalagayan ng Tsina at Pilipinas, at palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sina Carlos Chan, Liwayway chairman emeritus, at Jose Alvarez, Governor ng Palawan

 

 

 

Ayon sa rekord ng historikal na materiyal, noong taong 1417, sa panahon ni Emperador Yongle ng Ming Dynasty, isinagawa ni Sultan Pahala ang dalaw-pangkaibigan sa Tsina, kasama ng mahigit 340 piling kasamahan. Nagtagal sila ng 27 araw sa Beijing. Pabalik na sana sa Pilipinas ang sultan subalit nagkasakit siya pagsapit sa Dezhou. Nabalitaan ng Emperador ang pagkakasakit at pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan kaya't inatasan niya ang kanyang mga opisyal na bigyan ng isang marangyang libing ang Sultan ng Sulu.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>