|
||||||||
|
||
Embahador Jose Santiago "Chito" Sta. Romana (kaliwa) habang kinakapanayam ni Rhio Zablan ng Serbisyo Filipino
Beijing Tsina-"Mahalaga ang pangyayaring ito, kasi inaalok nating pumunta ang mga turistang Tsino sa Pilipinas, at sila ngayon [ang inaasahang] magiging pangunahing turista sa [ating bansa]."
Ito ang ipinahayag kagabi, Marso 28, 2017 ni Embahador Jose Santiago "Chito" Sta. Romana, bagong Sugong Pilipino sa Tsina, kaugnay ng pagdaraos ng Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings sa Hilton Hotel Beijing.
Embahador Jose Santiago "Chito" Sta. Romana
Ani Sta. Romana, isang importanteng bagay ang nasabing pagtitipon, dahil malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasulong ng turismo.
Hinggil naman sa pagpapabuti ng relasyong Pilipino-Sino, sinabi niyang mariing utos ni Pangulong Duterte na palalimin pa ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan ng mga pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa.
Embahador Jose Santiago "Chito" Sta. Romana (kaliwa) at Rhio Zablan (kanan) ng Serbisyo Filipino
"Kaya, ang ginagawa namin ngayon ay gawing batayan ang tagumpay ng [pagbisita sa Tsina ni Pangulong Duterte] noong Oktubre ng nakaraang taon at tuparin ang mga napagkasunduan, para maramdaman ng mga mamamayang Pilipino kung ano ang benepisyo ng mahusay na relasyon sa Tsina at kung ano ang benepisyo ng malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina," ani Sta. Romana.
Reporter: Rhio at Sissi
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |