Ipinahayag kamakailan ni Chen Yibo, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Tourism Association ng lalawigang Hainan, kilalang destinasyong panturista ng Tsina, na sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, isasagawa ng lalawigang ito at iba't ibang lugar ng Pilipinas ang mas maraming kooperasyon sa turismo.
Kabilang dito aniya, pinag-aaralan ng mga airline company ang posibilidad ng pagbubukas ng direct flight sa pagitan ng Hainan at Manila.
Dagdag pa ni Chen, sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, palalakasin ang konstruksyon ng imprastruktura sa mga may kinalamang bansa. Ito aniya ay makakatulong sa pag-unlad ng turismo.
Salin: Liu Kai