Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakalawa, Miyerkules, ika-29 ng Marso 2017, ng Pangkalahatang Kawanihan ng Estadistika ng Biyetnam, noong unang kuwarter ng taong ito, 6 na bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng Biyetnam sa Tsina, at ang bilang na ito ay lumaki ng 43.3% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ayon pa rin sa estadistika, noong unang kuwarter, halos 950 libong turistang Tsino ang naglakbay sa Biyetnam. Ito ay lumaki ng 63.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Liu Kai