Ayon sa estadistika na isinapubliko kamakailan ng adwana ng Hekou, isang nayon sa hanggahan ng lalawigang Yunnan, Tsina at Biyetnam, mula noong kalagitnaan ng Mayo hanggang katapusan ng Disyembre, 2016, lumampas sa 1.2 bilyong RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, na mas malaki ng 134% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon pa sa ulat, sa kasalukuyan, mga 700 residente sa hanggahan ang lumalahok sa mga aktibidad na pangkalakalan, kada araw, at umaabot sa 3,000 RMB ang karagdagang kita ng isang tao, kada taon.