SIEM REAP, Cambodia — Idinaos nitong Biyernes, Disyembre 23, 2016, ang Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Noong Marso ng kasalukuyang taon, idinaos sa Sanya, Tsina ang unang Lancang-Mekong Cooperation Leaders' Meeting na sumasagisag ng opisyal na pagsisimula ng LMC. Sa isang preskon pagkatapos ng pulong, lubos na pinapurihan ni Prak Sokhonn, Ministrong Panlabas ng Cambodia, ang naturang mekanismong pangkooperasyon. Aniya, kung ihahambing sa iba pang initiative at framework sa Mekong Sub-region, di mahabang panahon ang pagsisimula ng LMC, ngunit natamo nito ang magandang resulta sa maikling panahon lamang.
Sinabi naman ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang panig, natamo na ng LMC ang mahalaga at malinaw na progreso. Aniya, sanhi ng pagtatamo ng LMC ng mga progreso sa maikling panahon, ay pagtutugma nito sa masidhing mithiin ng anim (6) na bansa sa rehiyong ito sa pagpapalakas ng kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Bukod dito, naaangkop din ang LMC sa tunguhin ng proseso ng integrasyong pangkabuhayan sa rehiyon, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng