Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, napakahalaga

(GMT+08:00) 2017-04-03 12:36:52       CRI

Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, palagiang nakakatawag ng pansin ang pag-unlad ng bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Makaraang maupo sa puwesto ang bagong halal na American President na si Donald Trump, kung maitutuloy o hindi ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng nasabing relasyon, ay nakakatawag din ng malaking pansin ng buong daigdig.

Nang kapanayamin ng mamamahayag kamakailan, sinabi ni Xu Chen, Puno ng China General Chamber of Commerce – USA (CGCC), na noong taong 1979 na naitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, 2.5 biylong dolyares lamang ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Noong isang taon, umakyat na sa halos 52 bilyong dolyares ang halagang ito, at ito ay mas malaki ng mga 207 ulit. Aniya, kung maipagpapatuloy ang tunguhin ng positibong pag-unlad ng relasyong pangkalakalan ng Tsina at Amerika, magiging silang pinakamalaking trade partner ng isa't-isa sa malapit na hinaharap.

Tinukoy ni Xu na ang pagluluwas ng Amerika sa Tsina sa mga larangan, ay nagsisilbing mahalagang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan nito. Bukod dito, ang mabilis na paglaki ng pamumuhunan ng Tsina sa Amerika ay nakakalikha ng maraming pagkakataon ng hanap-buhay para sa Amerika.

Ipinagdiinan din niya na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay hindi lamang angkop sa aktuwal na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi malaki ang katuturan nito para sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig at mapayapang pag-unlad ng buong mundo.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>