Sa bagong round ng talastasang pangkapayapaan na idinaos Miyerkules, ika-5 ng Abril, 2017, nagkaisa ng palagay ang pamahalaan at Partido Komunista ng Pilipinas, at lumagda sila sa pansamantalang kasunduan ng tigil-putukan. Ang nilalaman ng nasabing kasunduan ay kinabibilangan ng pagtatatag ng demilitarized zone at pagtatayo ng mekanismo ng pagsusuperbisa sa tigil-putukan.
Sa news briefing pagkatapos ng paglagda ng kasunduan, ipinahayag ni Jesus Dureza, Presidential Adviser on the Peace Process, na maigagarantiya ng paglagda ng nasabing kasunduan ang patuloy na pagsulong ng talastasang pangkapayapaan.
Ipinahayag naman ni Elizabeth Slattum, Espesyal na Sugo ng Norway na nangulo sa paglagda ng kasunduan nang araw ring iyon, na ang paglagda sa kasunduang ito ay makakatulong sa pag-iiwas ng kapuwa panig sa "pagsasagawa ng bagong ostilo at probokatibong aksyon."
Salin: Vera