Makaraang tapusin ang pagdalaw sa Amerika nitong Biyernes (local time), Abril 7, 2017, ang pagtatagpo ng mga Pangulong Tsino at Amerikano na sina Xi Jinping at Donald Trump, ay binigyan ng lubos na papuri ni Steve Orlins, Presidente ng National Committee on United States-China Relations (NCUSCR).
Tinukoy niya na natamo ng nasabing pagtatagpo ang positibo at mayamang bunga. Napalalim ang pagkaunawa sa isa't-isa nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump; sa kabilang dako, natamo ng dalawang bansa ang mga konkretong bunga sa maraming larangan.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagtatagpo, nakapaglatag ito ng pundasyon sa pagkontrol ng alitan ng dalawang panig sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa.
Salin: Li Feng