|
||||||||
|
||
Makaraang tapusin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang biyahe sa Amerika, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mahalagang punto ng pagtatagpo nina Xi Jinping at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Ani Wang, nagkaroon ang dalawang lider ng pitong (7) oras na pagpapalitan kung saan nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan, at narating nila ang maraming mahalagang komong palagay. Ipinalalagay aniya ng dalawang panig na naging positibo at mabunga ang pagtatagpong ito.
Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na, batay sa diwa at narating na komong palagay sa nasabing pagtatagpo, magsikap kasama ng panig Amerikano upang mapalakas ang pagdadalawan at diyalogo ng mataas na antas, mapalawak ang kooperasyon sa pundasyong may mutuwal na kapakinabangan, at mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |