Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina nitong Martes, Marso 14, 2017, mula ika-16 hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan, bibiyahe si Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina sa Pilipinas. Napag-alamang sa panahong iyon ay makakausap ni Wang si Pangulong Rodrigo Duterte. Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pananalig na ibayo pang mapapasulong ng biyaheng ito ang estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, sa kanyang pananatili sa Pilipinas, makikipagtagpo si Wang kay Pangulong Duterte, at makikipagpulong sa grupong tagapagpamahala sa ekonomya ng gabinete ng bansang ito. Bukod dito, dadalo siya sa seremonya ng pagbubukas ng "Taon ng Kooperasyong Panturismo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)," at dadalo at bibigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Porum na Pangkooperasyon at Pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas.
Salin: Li Feng