Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 13, 2017, ni Tagapagsalita Yan Pengcheng ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na noong isang kuwarter, napanatili ang matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ito aniya ay nagpatuloy mula sa mainam na tunguhin mula noong ika-3 kuwarter ng nagdaang taon. Bukod dito, kasalukuyang maayos na isinusulong ang reporma sa mga pangunahing larangan, aniya pa.
Tungkol sa kabuhayan sa hinaharap, ipinahayag ni Yan na dahil marami pang elementong panlabas ang humahadlang sa sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, kailangan pa ring matyagan ang hinggil sa katatagan at pagpapatuloy ng paglaki ng kabuhayan.
Salin: Li Feng