Nag-usap sa telepono, ngayong araw, Miyerkules, ika-12 ng Abril 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Positibo si Xi sa katatapos na pagtatagpo nila ni Trump sa Mar-a-Lago, Florida ng Amerika. Umaasa aniya siyang buong sikap na pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, para matamo ang higit na maraming bunga sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ni Trump na matagumpay ang pagtatagpo nila ni Xi. Sumang-ayon siyang palawakin ng Amerika at Tsina ang kooperasyon sa malawak na aspekto.
Nagpalitan din ng palagay ang dalawang pangulo hinggil sa kalagayan sa Korean Peninsula, at isyu ng Syria. Binigyang-diin ni Xi ang mapayapang paglutas sa isyu ng Korean Peninsula. Umaasa rin aniya siyang magkakaisa ng palagay ang United Nations Security Council sa isyu ng Syria.
Salin: Liu Kai