Ayon sa datos na ipinalabas noong Ika-17 ng Abril, 2017, ng State Statistics Bureau ng Tsina, lumampas sa 18 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa noong unang kuwarter ng taong ito. Ito'y lumaki ng 6.9% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, ang paglaki ng tertiary industry ay pinakamabilis, ito ay lumaki ng 7.7% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Sinabi ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng State Statistics Bureau ng Tsina na pinananatili ng pambansang kabuhayan ang tunguhin ng matatag na pag-ahon, at ito ay isang mabuting simula sa taong ito.
salin:Lele