Ipinahayag kamakailan ni Htin Kyaw, Pangulo ng Myanmar, na ang kooperasyong pangkaibigan ng Myanmar at Tsina ay hindi lamang magpapasulong sa komong pag-unlad ng dalawang bansa, kundi makakabuti rin sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Sa kanyang panayam sa mga media ng Tsina, sinabi niyang ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner at pinakamalaking bansang pinagmumulan ng pamumuhunan ng Myanmar. Mayroon mahabang hanggahan sa pagitan ng dalawang bansa, at madalas ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng Myanmar at Tsina, dagdag niya. Patuloy aniyang igigiit ng Myanmar ang limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan ng dalawang bansa.
Aniya, ang Myanmar ay mahalagang bansa sa linya ng "Belt and Road" Initiative. Umaasa aniya siyang ang pagsasagawa ng "Belt and Road" Initiative ay magpapasulong sa paghahatid ng kalakal, paglaki ng kabuhayan at konstruksyon ng imprastruktura ng mga bansa.
salin:lele