Ayon sa datos na isinapubliko nitong Huwebes, Marso 16, 2017, ng China Export & Credit Insurance Corporation (SINOSURE), mula noong 2013 hanggang Enero ng 2017, ipinagkaloob ng SINOSURE ang mahigit 420 bilyong dolyares na insurance support sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Kabilang dito, noong isang taon, 303 proyekto sa naturang mga bansa ang tinanggap sa SINOSURE na nagkakahalaga ng mahigit 113 bilyong dolyares.
Sapul noong taong 2013, tinanggap sa SINOSURE ang 1,062 mahahalagang proyektong gaya ng natural gas pipeline ng Gitnang Asya, at high-speed railway mula Ankara hanggang Istanbul ng Turkey. Ang mga tinanggap sa SINOSURE ay sumasaklaw sa komunikasyon at transportasyon, kasangkapan ng langis, proyekto ng koryente, konstruksyon ng mga gusali, at marami pang larangan.
Salin: Li Feng