Inilabas kahapon, Miyerkules, ika-19 ng Abril 2017, ang inisyal na resulta ng ikalawang round ng pagboto ng halalan ng gobernador at pangalawang gobernador ng Special Capital Region of Jakarta, Indonesya.
Natalo ang kasalukuyang gobernador at pangalawang gobernador, na sina Basuki Tjahaja Purnama at Djarot Saiful Hidayat, sa kanilang re-eleksyon. Nakakuha lamang sila ng 42.44% ng mga boto.
57.56% naman ang mga botong nakuha nina Anies Baswedan at Sandiaga Uno, at sila ay magiging bagong gobernador at pangalawang gobernador ng Jakarta.