5.02%, paglaki ng kabuhayan ng Indonesya sa 2016
(GMT+08:00) 2017-02-07 14:45:53 CRI
Ayon sa estadistika na isinapubliko Pebrero 6, 2017 ng pamahalaan ng Indonesya, umabot sa 5.02% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP), noong 2016, samanatalang nasa 4.88% ang nasabing bilang, noong 2015.
Ayon sa naturang estadistika, ang karagdagang domestic consumption at fixed assets ay nagsilbing batayan sa paglaki ng GDP ng bansa. Ayon sa International Monetary Fund (IMF), ang paglaki ng kabuhayan ng Indonesya ay dahil sa isinagawang matatag na patakarang pangkabuhayan ng bansa at karagdagang domestic consumption. Tinataya rin ng IMF na 5.1% ang economic growth rate ng Indonesya sa taong 2017.
May Kinalamang Babasahin
Comments