Ayon sa estadistika na isinapubliko kamakailan ng International Monetary Fund (IMF), nananatiling mabilis ang paglaki ng pambansang kabuhayan ng Indonesya. Umabot anito sa 5% ang economic growth rate ng bansa noong 2016, samantalang nasa 4.8% naman ang nasabing bilang, noong 2015.
Ayon sa IMF, ang mabilis na paglaki ng kabuhayan ng Indonesya ay dahil sa isinagawang matatag na patakarang pangkabuhayan at karagdagang domestic consumption. Anito pa, ang karagdagang konsumpsyong panloob at pamumuhunan ay magsisilbing batayan sa patuloy na paglaki ng kabuhayan ng bansa, sa hinaharap.
Tinataya rin ng IMF na 5.1% ang paglaki ng kabuhayan ng Indonesya sa taong 2017, at aabot sa 4.5% ang inflation rate nito.