Idinaos kahapon, Linggo, ika-23 ng Abril 2017, sa Manila ang "send-off ceremony" para sa lahat ng mga security at emergency response forces ng Ika-30 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na idaraos mula ika-26 hanggang ika-29 ng buwang ito.
Sinabi ni General Ronald "Bato" dela Rosa, Chief ng Philippine National Police (PNP), na matagal nang ginagawa ng Pilipinas ang paghahanda para sa naturang summit, at mahigpit ang mga ipinatutupad na hakbanging panseguridad.
Ayon sa PNP, halos 41 libong tauhan ang kalahok sa mga gawaing panseguridad ng kasalukuyang ASEAN Summit. Kabilang dito, 26 na libong pulis ay ide-deploy sa Philippine International Convention Center, lugar na pagdarausan ng summit. Ipapadala rin ng Philippine Coast Guard ang 14 na bapor at mahigit 200 tauhan para sa pagpapatrolya sa Manila Bay.
Salin: Liu Kai