Sa isang panayam kamakailan, positibo si Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, sa pagdalo ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya sa Belt and Road Forum for International Cooperation, na idaraos sa darating na Mayo sa Beijing.
Sinabi ni Xiong, na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng Belt and Road Initiative, ginawa ng Tsina at Kambodya ang kooperasyon sa mga proyekto ng imprastruktura. Lumitaw na aniya ang bunga ng mga ito sa pagpapabilis ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Kambodya, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Nananalig aniya si Xiong, na sa pamamagitan ng pagdalo ng PM Kambodyano sa nabanggit na porum, mas mabilis na susulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan. Mas maraming bunga rin ang matatamo, dagdag pa niya.
Salin: Liu Kai
Pulido: Mac
Web editor: Liu Kai