Nag-usap Abril 24, 2017 sa Athens, Greece sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Ibrahim al-Jaafari, Ministrong Panlabas ng Iraq. Ipinahayag ni Wang na suportado ng Tsina ang pagsisikap ng Iraq sa pagbibigay-dagok sa terorismo, pangangalaga sa kasarinlang pambansa, at pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa. Aniya, patuloy na makikisangkot ang Tsina sa rekonstruksyon ng Iraq at bibigyan, hangga't maari, ang Iraq ng tulong. Aniya, bilang estratehikong magkatuwang, inaasahang mapapalakas pa ng Tsina at Iraq ang pagtitiwalaan sa isa't isa. Pinasalamatan aniya ng Tsina ang suporta ng Iraq sa "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Iraq para totohanang tupdin ang mga kasunduang narating ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Ibrahim al-Jaafar ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Iraq sa pakikibaka laban sa terorismo, at sa pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng estado. Hinihintay aniya ng Iraq ang mas maraming suporta at tulong mula sa komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Tsina. Umaasa rin aniya siyang patuloy na makikisangkot ang Tsina sa rekonstruksyon ng Iraq.