Nag-usap kamakailan sa Bonn, Alemanya sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Retro Marsudi ng Indonesya.
Ipinahayag ni Wang na bilang estratehikong magkatuwang, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para tupdin ang narating na pagkakasundo ng dalawang liderato, para ibayong pasulungin ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Ipinahayag naman ni Marsudi na nakahanda ang Indonesya na ibayong palalimin, kasama ng Tsina, ang pinapatakbong mekanismong pandiyalogo ng dalawang panig, at ibayong pasusulungin ang ugnayan ng mga estratehiyang "Global Maritime Axis" ng Indonesy at "Silk Road sa Karagatan" ng Tsina.
Nang mabanggit ang relasyon ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Wang na bilang mga mapagkaibigang magkapitbansa sa lupa at karagatan, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng lahat ng mga bansang ASEAN, para ibayong pahigpitin ang kani-kanilang pragmatikong pagtutulungan. Umaasa aniya siyang pabibilisin ang pagbalangkas ng Tsina at ASEAN ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), batay sa komprehensibong pagtupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ipinahayag naman ni Marsudi na positibo ang Indonesya sa pagpapabilis sa negosasyon ng Tsina at ASEAN sa COC. Nananatiling optimistiko aniya siyang maisasakatuparan ang katatagan ng South China Sea, batay sa magkasamang pagsisikap ng Tsina at ASEAN.