Tinukoy nitong Martes, Abril 25, 2017, ni Philippine Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunga ng pagpapabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ng relasyon sa Tsina at Rusya, nakikinabang dito ang kabuhayan ng bansa.
Magkasanib na itinaguyod nang araw ring iyon sa Manila ng Department of Finance at Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Porum na "Dutertenomics" kung saan dumalo ang mga economic officials at inilahad sa mga global media ang economic development blueprint ng pamahalaan ni Duterte.
Sinabi sa porum ni Ramon Lopez na makaraang malinaw na ipahayag ni Pangulong Duterte ang pakikipagkaibigan sa Tsina at Rusya, nakuha ng Pilipinas ang maraming kasunduan mula sa naturang dalawang bansa.
Ayon kay Lopez, lumagda na ang Pilipinas at Tsina sa purchasing agreement sa mga produktong agrikultural at industriyal na nagkakahalaga ng 1.7 bilyong dolyares. Ito aniya ay nakakapagpalaki sa halaga ng pagluluwas ng Pilipinas sa Chinese market.
Salin: Li Feng