Manila — Dumalo nitong Martes, Abril 25, 2017, ang delegasyong agrikultural ng Tsina na pinamumunuan ng Pangalawang Ministro ng Agrikultura na si Qu Dongyu, sa Ika-5 Pulong ng China-Philippines Joint Commission on Agriculture. Malalimang nakipagtalakayan ang delegasyong Tsino sa Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas tungkol sa patuloy na pagpapalalim ng kooperasyong agrikultural ng dalawang bansa. Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng nasabing pulong sapul nang suspendihin ito noong taong 2010.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Qu na layon ng nasabing pulong na pabilisin ang pagpapasulong ng pagkakasundong agrikultural na narating ng mga lider ng dalawang bansa noong nagdaang Oktubre. Sapul nang mabuo ang naturang magkasanib na komisyon ng dalawang bansa noong 2001, magkasama nilang natiyak ang preperensyal na larangang pangkooperasyon kung saan, natamo ang substansyal na bunga. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magkaloob ng tulong hangga't makakaya, sa panig Pilipino upang patuloy na mapalalim ang koopersyon at mabigyang-benepisyo ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng