Isinapubliko Huwebes, Abril 27, 2017, ng Fugitive Repatriation and Asset Recovery Office ng Central Anti-Corruption Coordination Group ng Tsina ang proklamasyon kung saan nakasaad ang impormasyon ng mga tumakas na tiwaling suspek sa ibayong dagat.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong ipinagbigay-alam sa publiko ang mga detalyadong impormasyong gaya ng personal information, suspected crime, at bansang pinagtataguan ng 22 sa 100 "most-wanted" Interpol Red Notice.
Layon ng pagpapalabas ng nasabing proklamasyon na hiyakatin ang mga mamamayan sa pagkakaloob ng impormasyon at palatandaan hinggil sa mga takas. Hinihimok din nito ang mga pamahalaang dayuhan na huwag kupkupin ang mga corrupt officials, at katigan ang anti-corruption campaign ng Tsina.
Bukod dito, ayon sa pangangailangan ng paghahanap sa mga korakot na opisyal, ilalabas ng nasabing grupo impormasyon hinggil sa mas maraming takas sa ibang bansa.
Salin: Li Feng
Pulido: Rhio/Jade