Sa preskong idinaos kahapon, Miyerkules, ika-26 ng Abril 2017, sa Berlin, Alemanya, pagkaraan ng pagtatagpo nila ni Sigmar Gabriel, Ministrong Panlabas na Aleman, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na dapat komprehensibo at kumpletong ipatupad ang mga resolusyong may kinalaman sa isyu ng Hilagang Korea.
Ipinahayag ng dalawang ministro na suportado nila ang komprehensibo at kumpletong pagpapatupad sa mga resolusyong may-kinalaman sa isyu ng Hilagang Korea.
Binigyang-diin ni Wang na palagiang iginigiit ng mga resolusyon ng UN na tutulan ang pagdedebelop at pagkakaroon ng H.Korea ng mga sandatang nuklear, at lutasin ang mga isyu sa pamamagitan ng mapayapang paraang kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng Six Party Talks.
Tinukoy ni Wang na ang pagpapataw ng sangsyon at pagpapanumbalik ng diyalogo ay kapwa naglalayong matupad ang resolusyon ng UN. Aniya, ang pagsasagawa ng nuclear test ay labag sa mga resolusyon ng UN, samantala ang pagdaraos ng mga ensayong militar sa Peninsula ng Korea ay taliwas din sa diwa ng resolusyon.