Nakipagtagpo Abril 26, 2017, sa Beijing si Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC) kay Shwe Mann, Chairman of the Legal Affairs and Special Cases Assessment Commission of the Assembly of the Union ng Myanmar.
Ipinahayag ni Zhang na sapul ng pagkakatatag ng bagong pamahalaan ng Myanmar, tiniyak ng mga liderato ng Tsina at Myanmar ang direksyon sa pagpapatibay at pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang panig, sa bagong kalagayang panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, pahigpitin ang kani-kanilang ugnayan sa estratehiyang pangkaunlaran ng bansa, pasulungin ang konstruksyon ng "Belt and Road Initiative," at pasulungin ang matatag at malusog na pagtutulungan ng dalawang panig. Aniya, positibo ang NPC sa pakikipagtulungan sa parliamento ng Myanmar, at handang pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Shwe Mann na nakahanda ang Myanmar na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong patibayin at pasulungin ang tradisyonal na mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang panig.