Sa isang porum hinggil sa pribadong kabuhayan kamakailan, isiniwalat ni Nguyen Van Binh, Ministro ng Kabuhayan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, na sa gaganaping Ika-5 Sesyon ng Ika-12 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam sa kasalukuyang Mayo, pagtitibayin ang resolusyon hinggil sa pagpapaunlad ng pribadong kabuhayan sa socialist-oriented market economy.
Aniya, papatnubayan ng kanyang partido ang pag-unlad ng pribadong kabuhayan, sa sumusunod na apat na aspekto: una, itatakda ang target ng pag-unlad ng pribadong kabuhayan; ika-2, itatakda ang mga mahalagang hakbangin sa pag-unlad ng pribadong kabuhayan at pasilitasyon ng pamumuhunan at pamamalakad; ika-3, ipapalabas ang mga hakbanging may kinalaman sa reporma at inobasyon ng pribadong kabuhayan, modernisasyon ng teknolohiya, pagpapaunlad ng yamang-tao, pagpapataas na labor productivity, at akibong pagbubukas sa labas; at ika-4, itatakda ang paraan ng pagsasakatuparan ng mabisang pangangasiwa ng bansa sa pag-unlad ng pribadong kabuhayan.
Salin: Vera