Idinaos Abril 27, 2017 sa Phnom Penh, Kambodya ang ika-4 na pulong ng Koordinadong Lupon ng Tsina at Kambodya, na pinanguluhan nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya.
Ipinalalagay ng dalawang panig na walang tigil na umuunlad ang pagtutulungan ng Tsina at Kambodya, at nakinabang ang mga mamamayan nila mula rito. Umaasa ang dalawang panig na ibayong pahihigpitin ang kanilang koordinasyon, batay sa multilateral na balangkas ng UN, at Tsina at ASEAN. Ipinahayag ng panig Tsino na magbibigay-suporta ito sa Kambodya blang tagapangulong bansa ng Lancang-Mekong Cooperation Mechanism. Samantala, ipinalalagay ng dalawang panig na ang isyu ng South China Sea(SCS) ay hindi nagiging alitan sa pagitan ng Tsina at buong ASEAN, at inaasahang malulutas ng mga may-direktang kinalamang bansa ang isyung ito, sa mapayapang paraan. Ipinalalagay nilang may kakayahan at nakahanda ang Tsina at mga bansang ASEAN na magkasamang magsikap at magtulungan para pangalagaan ang katatagan ng SCS, samantala, inaasahan nilang gaganap ng konstruktibong papel ang mga walang direktang kinalamang bansa, sa isyung ito.
Ipinahayag ng panig Tsino ang kahandaang magsikap, kasama ng Kambodya at ibang mga bansang ASEAN, para tupdin ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea"(DOC), at pasulungin ang negosasyon sa "Code of the Conduct in the South China Sea"(COC).
Positibo ang dalawang panig sa pagdaraos ng kanilang ika-5 pulong ng koordinadong lupon , sa taong 2018.