Ayon sa ulat ng panig militar ng Timog Korea, sinubok kaninang madaling araw, Sabado, ika-29 ng Abril 2017, ng Hilagang Korea na ilunsad ang isang missile. Pero, sumabog ito sa himpapawid.
Sinabi rin ng panig militar ng T.Korea, na ang naturang missile ay isang ballistic missile, pero hindi pa nalalaman ang modelo nito. Ginagawa nila ang ibayo pang pag-aanalisa.
Kinumpirma naman ng Pacific Command ng tropang Amerikano ang nabanggit na subok-lunsad ng missile ng H.Korea. Anito pa, hindi nakaabot ang missile sa labas ng teritoryo ng H.Korea, at hindi ito nagsisilbing banta sa Amerika.
Salin: Liu Kai