Sinimulan kahapon, Sabado, ika-29 ng Abril 2017, ang magkasanib na pagsasanay militar ng USS Carl Vinson nuclear-powered aircraft carrier at hukbong pandagat ng Timog Korea, sa karagatan sa dakong silangan ng Korean Peninsula.
Ayon sa ulat ng panig militar ng T.Korea, sa background ng kasalukuyang kalagayang panseguridad, layon ng naturang pagsasanay militar na lubos na ihanda ang T.Korea at Amerika sa digmaan.
Hindi isiniwalat ng panig militar ng T.Korea ang detalyadong nilalaman ng pagsasanay, pero anito, tatagal hanggang sa susunod na linggo ang pagsasanay.
Nauna rito, isinagawa ng USS Carl Vinson, kasama ng Maritime Self-Defense Force ng Hapon, ang pagsasanay militar sa kanlurang Pasipiko.
Salin: Liu Kai