Ayon sa estadistikang inilabas ng Ministri ng Agrikultura at Pag-unlad ng Kanayunan ng Biyetnam, noong unang 4 na buwan ng taong ito, mahigit 1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng naitalang pagluluwas ng prutas at gulay ng bansa. Ito ay lumaki ng 32.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, ang pagluluwas sa 4 na pangunahing pamilihang kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Hapon, at Timog Korea ay katumbas ng halos 83% ng kabuuang halaga ng pagluluwas.
Pawang may malaking pag-unlad ang pagluluwas ng prutas at gulay sa Rusya, Hapon, Thailand, Tsina, Malaysia, Timog Kroea, at Amerika, na lumaki ng 88.7%m 50.9%, 34%, 33.3%, 32.8%, 18.7% at 13.3%, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera