Sa proseso ng 30 taong pag-unlad, umabot sa 40% ang contribution rate ng pribadong sektor ng Biyetnam sa Gross Domestic Product (GDP). Gumawa ito ng napakalaking ambag para sa paglago ng kabuhayan at pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan sa loob ng bansa.
Hanggang noong katapusan ng 2016, lampas sa 110 libo ang bilang ng mga rehistradong bahay-kalakal sa buong Biyetnam, at patuloy pang tumataas ang bilang at proporsyon ng mga ito. Ang bilang naman ng mga micro-enterprise na wala pa sa 10 manggagawa ay katumbas ng mahigit 2/3 ng kabuuang bilang ng mga bahay-kalakal ng bansa.
Sa simposyum na may temang "Pagsalubong ng Pag-unlad ng Pribadong Sektor ng Bagong Panahon," ipinahayag ng mga kinatawan ng ilang industriya at departamento ang kani-kanilang kuru-kuro hinggil sa mga kinauukulang gawain ng pagtatakda ng mekanismo ng pag-unlad ng pribadong sektor. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng pribadong sektor para sa pambansang kabuhayan.
Salin: Vera