Sa panayam kahapon, Sabado, ika-6 ng Mayo 2017, ipinahayag ni Pangulong Prokopis Pavlopoulos ng Gresya, ang pag-asang magiging matagumpay ang Belt and Road Forum for International Cooperation, na idaraos sa susunod na linggo sa Beijing.
Sinabi ni Pavlopoulos, na ang Belt and Road Initiative ay makakatulong sa kooperasyon ng iba't ibang bansa sa konstruksyon ng imprastruktura, kalakalan, at kabuhayan. Ito rin aniya ay magpapasulong sa diyalogo at kooperasyong pangkultura sa pagitan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag din ni Pavlopoulos ang lubos na pagkatig ng Gresya sa Belt and Road Initiative, at kahandaang palakasin ang kooperasyon sa ilalim ng inisyatibang ito. Ito aniya ay pinatutunayan ng pagdalo ni Punong Ministro Alexis Tsipras sa naturang porum.
Salin: Liu Kai